nobody can stop me from dreaming.

nobody can stop me from dreaming.

Thursday, December 16, 2010

"ANATOMIYA NG KORAPSYON"

“ANATOMIYA NG KORUPSYON” by Malou Jacob
Anong batas ang may kapangyarihan, kung ang pera lang naman ang nagpapamalakad. Isa ito sa mga mensahe na nakuha ko sa dulang Anatomiya ng Korapsyon na isinulat ni Malou Jacob na pinalabas ng Cultural Center of the Arts. Ang Anatomiya ng korapsyon ay isang uri ng drama na nagpapakita ng kahalagahan ng pera atbatas sa lipunan. Naipakita din sa dulang ito kung ano ang tunay na matibo ng mga mamamayan na nasa ilalim ng gobyerno, kung papaano sila tumutulong sa mga nangangailangan. 


Ang dula ay naipalabas ng malinis at naiinitindihan sa aming mga manunuod. Ang costume at make up ng mga artista ay maganda at nakakahatak ng atensyon dahil sa iba iba ang mga krakter ng ipinakita nila. Ngunit merong isang artista ang hindi nagbago ang itsura kahit nagbago na ng make up at costume.. Kapansinpansing kapareho ang itsura niya sa nauna nyang pinag-ganapan na karakter. Kahit lagyan sya ng bigote at tanggalin ang salamin sa mata ay parang wala pa ring nagbago. Pero sa pag-arte niya ay nagampanan niya naman  ng maaayos ang role. Siya yung lalakeng matangkad na nakasalamin, Merong artista sa play na nakuha yung atensyon ko dahil ang galing niyang magshift ng mood at mag-apply ng karakter. Siya ung bumbay na nag-bading, nag-hapon at naging abogado din. Magaling sya, idol ko sya. Magaling umarte ang bidang babae, nagampanan niya ang role nia sa play na isang abogado na tapat sa batas ngunit nagkakaroon din minsan ng tukso sa pera dahil sa pangangailangan niya upang ipagamot ang kanyang nanay na my sakit. Napansin ko rin na medyo nauubusan ng stage bussiness ang ibang artistang nasa stage habang walang dialogue. Lalo na ung lalakeng mataba na boss nila, nauubusan sya ng stage bussiness or dahil sa role niya na boss sya kaya wala sya masyadong ginagawa sa opisina nila. 


The lights and SFX are good. Yung sa elevator na my mga taong na-stranded parang totoo nga na may elevator doon at may mga tao. At yung stage design nila para sa pagkakaintindi ko sa meaning non is kaya nasa gitna ung table nung babaeng bida dahil sa kanya umiikot ang storya. Katulad sa totoong buhay kung ihahambing, ang nasa gitna ng bansa natin ay ang pangulo natin. Dahil sya ang nagpapamalakad sating bansa. My kapangyarihan syang magutos sa mga tao kung ano ang gusto niyang ipagawa. At may kakayahan din syang maging tapat sa bayan kung gugustuhin niya o hindi. 


Madami akong natutunan sa dulang ito. Kung paano gumalaw sa stage, kung paano i-portray ang mga roles at maging mausisa bilang manonood na taga-teatro. Madami rin akong natutunan na aral sa play hndi lang tungkol sa teatro kundi sa totoong buhay.





No comments:

Post a Comment