nobody can stop me from dreaming.

nobody can stop me from dreaming.

Tuesday, December 6, 2011

kalapati


Minsan na akong lumipad sa aking panaginip.Lumipad ng napakatayog na tila walang paki-alam kung saan man mapunta o dalhin ng hangin. Pangarap kong maging malaya at maging masaya ng walang ano mang problemang iniisip. Malayang pumunta sa mga lugar na ninanais ng aking puso't isip, lugar kung nasaan ang aking iniibig. Magkaroon ng saya at ngiti sa mga labi dahil sa kalayaang nakakamit ng paunti unti. Ninais ko na rin ang mapagisa, dahil naniniwala ako na walang ibang magtuturo ng tamang daan saatin kundi ang ating mga sarili. Ang ating mga sarili na nagsasabing gawin ang mga bagay na ninanais natin at ikasasaya sa buhay. Ngunit may mga bagay din tayong dapat isa-alang alang sa pagiging sobrang malaya, ang sumobra sa limitasyon ng kalayaan. Kung saan matatamo ang mga hindi ka nais nais na bagay na magiging rason ng pag kasira ng buhay ang pag laho ng kalayaan. Natutunan kong umintindi sa pamamagitan ng pag kilala sa aking sarili. Naniwala ako sa sarili ko na hindi lahat ng bagay ay makukuha natin sa ano mang aspeto ng buhay. May mga bagay rin naman tayong makakamtam sa pamamagitan ng pag gamit ng ating utak, paniniwala, tyaga, tiwala sa sarili at ang importante ang puso. Tulad ng isang kalapati na matayog ang lipad... alam kung saan pupunta... at kung saan at kailan sya dapat na bumalik...

In order to see birds it is necessary to become part of the silence - Robert Lynd

No comments:

Post a Comment