nobody can stop me from dreaming.

nobody can stop me from dreaming.

Sunday, November 28, 2010

STUPID GIRL

Nakatira si Gina sa simpleng tahanan, kasama niya ang kanyang pamilya na masayang ring naninirahan doon. Twing umaga bago pumasok ng school,laging dumadaan si Gina sa malaking bahay na nakatayo tatlong kanto kalayo sa kanilang bahay.Lagi niyang sinasabi sa sarili nyang magkakaroon din sya ng ganun kaganda at kalaking bahay balang araw. Pala-ayos at malinis sa katawan na babae si Gina. Katulad ng ibang babae, mahilig sya sa mga material na bagay ngaun ang sa knya ay mga branded na gamit kaya sya nagmumukhang mayaman. Pero sa kasamaang palad ang mga branded stuffs na iyon ay fake or imitation lamang na nabibili ni Gina sa 168 mall at tutuban. Unang araw ng 2nd semester sa school nil Gina. Lumipat sya na paaralan kaya wala syang kilala sa class na 'yon. Napansin ni Gina na mga anak mayaman at mga sosyal ang mga classmates niya. Kaya inisip nito na tama lamang ang paraan ng pananamit niya. Lumipas ang isang linggo at naging close na ang magka-klase. Kaya nagkayayaaan ang mga ito na gumimik ngaung gabi dahil wala namang pasok kinabukasan. Sobrang excited si Gina kaya nagpaganda at sinuot niya ang magaganda niyang damit para hindi naman sya magmukhang kawawa kapag kasama ang mga sosyal na kaibigan. Sobrang nag-eenjoy si Gina noong gabing 'yon. Hindi na niya inisip kung magkano ang mga binabayaran niya sa mga foods at drinks basta lang makapag order at para makapag sabayan sa mga kaibigan niya. Matapos ang gabing iyon, nagprisinta ang isa nilang kaibigan na ihatid sila isa isa dahil dala niya ang kotse ng dad niya. Unang hinatid si Melissa dahil malapit lang sya sa pinaggimikan nila. Nakita ni Gina na malaki at maganda ang bahay ni Melissa. Kaya nang sya na ang ihahahtid, naisip nito na magpahatid sa bahay ng pinapangarap niya para hindi sya mapahiya sa mga kaibigan niang mayayaman. Patuloy pa rin ang pag papanggap ni Gina, minsan naiisip niya kung hanggang kailan niya itatago ang tunay niyang pagkatao. May takot si Gina sa puso niya na baka hindi sya tanggapin ng mga kaibigan niya kapag nalaman na hindi sya tuanay na mayaman. Kinabukasan sa school nagyaya ang classmate nila na sumama sa bahay nito dahil namatay ang lolo niya. Pagdating sa bahay nito, napansin ni Gina na simple lang ang bahay nila. Sa kabila ng simpleng buhay ng ka-klase niya nandun pa rin ang suporta at saya na binibagay ng mga kaibgan at pamilya nito. Na-realize ni Gina na hindi niya na kaylangan magpanggap pa na maging mayaman para lang magkaron ng mga kaibigan at maging-in sa mga tao. Ngunit s kabila ng mga ito, patuloy pa din ang pag papanggap ni Gina sa pagiging mayaman niya.

No comments:

Post a Comment